Namiss ko lang sya. Namiss ko kasi mga post nya. Taga subaybay ako ng blog nya but suddenly bigla syang nagpa-alam. Buhay pa ang blog pero a...
Namiss ko lang sya. Namiss ko kasi mga post nya. Taga subaybay ako ng blog nya but suddenly bigla syang nagpa-alam. Buhay pa ang blog pero ang mga post hindi mo na mababasa. Kung familiar kayo sa blog nya mata-touch kayo sa mga post nya na minsan ay nagpaluha sa akin. Pero bakit parang nahihiwagaan ako sa kanya. Sino ba sya? Bakit lagi ko syang hinahanap? Bakit parang hinihintay ko sya at di ko maiwasang icheck ang blog nya kung bumalik na ba ang mga laman nito? Mejo weird man ang post na ito para sa MSR pero ipopost ko ang kanyang last blog post bago siya nawala. Napaka-emosyunal nya sa kanyang huling post. Samahan nyo akong basahin ito.
Blog Post Title : Krayola (A Farewell Post)
"Lumaki akong kinaiinggitan ang mga batang maraming kulay ang kahon ng crayons. Sino ba naman ang musmos na hindi nangarap magmay-ari ng isang bagay na dulot ay buhay sa mga likhang nadadantayan nito? Mga kulay na kahit kailan ay hindi mo pa nakita o narinig man lang. Masaya, samut-sari. Makulay.
Lumaki akong tanging puti, itim at asul lamang ang nakikita sa paligid. Pilit kong binabanaag ang kabutihan sa bawat tao at lahat ng bagay na nangyayari sa lupa. Subalit kahit anong pilit kong gawin ay tila hindi ko matakasan ang maitim na anino ng aking pagkatao. Namuhay akong babad sa asul ng kalungkutan at pagkabigo.
Nasaan ang dilaw na siya ring kulay ng papasibol na araw? Waring nabulag na ako kaya't di na rin masilayan ang luntiang palayan. Matagal na rin akong pinanawan ng kahel at lila. Nakalimutan kong bughaw ang kulay ng langit at ang dugong anyo ng naglalagablab na karagatan.
Gusto kong madampian ng mga kulay ng bahaghari ang aking puso.
Kulayan mo ako, bago pa man ako tuluyang lamunin ng dilim...
Nawa'y hindi pa ito ang huling beses kong makakapagsulat."
Kung sino ka man na nasa likod ng blog na "tHe wAnDeRinG EMO", sanay makilala kita. Minsan mo na ring nilagay sa blog roll mo ang mensexret.blogspot.com pero na delete na ito kaya hindi na gumagana ang link, nasa bagong mensexret.net na kami.
Kung sino ka man, sana magkita tayo someday at maging magkaibigan. Pareho tayong madamdamin at emosyunal na tao pero tinatakpan lang natin ito sa pamamagitan ng mga hirit at patawa natin. Sanay masaya ka ngayon. Salamat sa minsang pinaluha mo ako. Sanay bumalik ka na! Hinihintay pa rin kita.

nice one!!!nakakarelate din ako doon ah..malalalim ang ginagamit na salita na ngbibigay ng isang talinghagang pahayag na naitatago sa pamamagitan ng salita..sana magkita balang araw yan din ang dasal ko sa inyo!!!
ReplyDeleteWow ang ganda... Binisita ko ang site nya kaya lang hindi ko na maopen ang mga laman non... Sana sa tulong nyo po ay mabasa ko pa ang iba... Pwede pakipost na rin dito or iemail nyo sa kirabillion@gmail.com?
ReplyDeleteTalaga namang nakakalungkot isipin na baka wala na sya... Ewan ko, siguro dahil nahihirapan na sya. Mararamdaman mo sa bawat salita na nakasulat.... Please sa may ari ng blog na yon I just hope your still alive... Kahit ako muntik ng mapunta sa ganyang status kaya lang pinilit kong magkaron ng kaibigan yon nga lang hindi nila alam na bi ako..
Wow ang ganda... Binisita ko ang site nya kaya lang hindi ko na maopen ang mga laman non... Sana sa tulong nyo po ay mabasa ko pa ang iba... Pwede pakipost na rin dito or iemail nyo sa kirabillion@gmail.com.